Monday, January 19, 2009

Reminiscing Binangonan

I can still remember those days when I stayed in Binangonan Rizal. Pag wala akong magawa pumupunta ako sa labas nang bahay and play with the kids from the neighborhood. I could still remember Denize asking me kung bakit daw malaki ang dibdib ko. Nako, she’s so talkative talaga batang-bata pero lahat nang chismis around the neighborhood alam nya. Si beng-beng na mahiyain at si dana na sunod lang nang sunod. Isang hapon la kaming magawa bumili nang chalk si Denize ayun nilaro namin nag drwing kami sa kalsada. Minsan tinuturuan ko sila nang kung anu-ano. Bat di kaya ako mag teacher. Hmmmm. Hehe. I miss those kids.
All the time naman kasama ko si Xyza. Palagi kaming nanunuod ng T.V. sa kanya ko natutunan ang manuod ng Heroes, Gossip Girls, America’s Next Top Model, at iba pa. Then pag hapon sinasama nya ako sa computer shop kasi nakikipag chat sya sa asawa nya sa Japan. Maraming nangyari nung nandun pa ako sa Binangonan. And I enjoyed every single day that I spent there. We went to the cemetery where lolo and tita vibes were buried. Hindi ko natatandaan si Lolo at si tita vibes maybe because I was still young when I visited them in Binangonan. Asa second floor ako natutulog ako lang magisa doon. Minsan pag walang magawa pumupunta ako sa bubong nag yoyosi at tinatanaw ang magandang view ng Rizal habang nagiisip nang kung anu-ano.
Halos dalawang buwan din ako sa Binangonan.
We went to Thunderbird Hotel and Casino in Angono Rizal. Pumunta kami dun kasi gusto nilang maglaro. Tatlo lang kami. Ako si Xyza at si Kevin. From the house we ride on a tricycle going to the highway then sumakay kami ng jeep papuntang Angono. Doon naghihintay ang shuttle going to Thuderbird. As I was about to enter the door the receptionist ask my age. I told him the truth, sabi ko im 19. Aba, hindi ako pinapasok kasi daw hindi pwede and below 21 years old. Oo nga pala 21 is the legal age. Hehehe nakalimutan ko. So we decided to enter on the other side doon sa hotel. Kumain muna kami sa restaurant nang hotel. 400 per person ang bayad eat all you can buffet. Hala nagdadiet pa naman ako. Hay nako… ayokong masira ang figure ko no. syempre nagpaka sosyal ang bakla. Salad lang ang kinain ko. Then afterwards we went to the casino and played. Sa slot machine lang. Hindi naman kami marunong mag laro sa cards. Si Kevin naman sa wheel of fortune sya nag laro grabe ang lolo mo naka maximum bet sya bawat pindot 500 pesos. Sana binigay nya nalang sa akin ung pera nya. Hehehe. Pero anung magagawa ko he wants to enjoy playing. Kaya nga kami pumunta doon e. he wants to spend his money there. Kung saan sya masaya edi suportahan natin. LOL! Habang naglalaro si Kevin pumunta kami si Xyza sa pool side. Pinainum ako ni Xyza ng ibatibang mix drinks. Ang lola mo ako ang pinapainum kasi buntis kaya sa akin pinapatungga ang mga gusting inumin. Tapos bumalik kami sa loob at nanuod ng banda. Inum lang ako. Margarita, Flaming blue Ferrari, Blowjob, B52, at di ko na matandaan ang pangalan nang iba. Hehehe. Umaalis-alis si Kevin tumitingin-tingin kung sino ang nananalo. When he returned we were surprised with what he brought us. He gave me two door card at si Xyza din. We have no idea that Kevin will pay for a room. Sabi nya sa akin dalawa daw ang kinuha nya para bakasakaling may makita akong papa bigay ko daw ang isang card. Hala ka muntik na akong mapaluha sa tuwa. We enjoyed the night nakinig kami sa banda. Tinanong kung saan kami galling. Si Kevin sa Japan ako naman sabi ko Im from new Jersey nung tinanong si Xyza sabi nya im from the Philippines hehehe sabi nang babae akala ko Fil-am ka din. Natapos na ang banda we decided to go to our rooms. I checked the room, malaki sya in fairness. Nung pumasok na sila pumasok narin ako sa room ko I opened the lights and the air conditioner. Tapos lumabas ulit ako. Pumunta sa bar side at uminom ulit ng margarita. Syempre naghahanap rin ng mga papa. Wala talaga eh, puro matatanda. Bumalik nalang ako sa room. Nung umaga pumunta ako sa pool side at doon nag breakfast. Charge nalang sa room. Tapos nag jakusi ako gusto ko sanang maligo sa pool pero sabi nang life guard nililinisan pa daw nila ang pool may gamut pa daw mga hapon pa. helo like were checkin out before lunch so I decided to take the jakusi. Then pagkatpos kung mag jakusi umuwi na kami….. hay….

I will always remember my days in binangonan cause I celebrated my 19th birthday there.













Eto ang room kung saan ako natulog

Dalawang Bed. Duh tapos ako lang mag-isa.

Two door cards.

Yung comfort room.

Xyza at the pool side.

Ako sa pool side.

Sa taas nang bubong parang may power. Hehehe

Kasama ko ang mga bata.

Si Denize, Bengbeng at si Dana

No comments:

Post a Comment